new-california-health-interview-survey-chis-preliminary-estimates

Ano ang Survey sa Kalusugan sa California?

Kasalukuyang ginagawa ang Sarbey ng Kalusugan ng California para malaman ang kalusugan ng mga tao sa  California at ang mga  problema nila sa pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan.  Ang mga resulta ng sarbey na ito ay nagbibigay ng  mahahalagang impormasyon na makakatulong sa paggawa ng mga patakaran at mga programa para sa Estado at mga lokal na komunidad.Para sa karagdagang impormasyon, mag-click dito.

  • Bakit kailangang kayong sumali?

    Mahalaga ang partisipasyon ninyo para tulungan ang mga mananaliksik, ang publiko, at ang pamahalaang mas mabuting maunawaan ang ilan sa mga pangkalusugang problema at hirap para makakuha ng pag-aalaga sa kalusugan sa California.

  • Pa’no ko matitiyak na magiging lihim ang impormasyon tungkol sa akin? Pa’no mapoprotektahan ang aking privacy?

    Unang priyoridad namin ang panatilihing kumpidensiyal ang impormasyon ng indibidwal. Talagang pinroseso namin ang lahat ng mga sagot para walang direktang makakapag-ugnay kung anong mga sagot ang nagmula sa aling sambahayan. Iniuutos ng batas sa lahat ng nagtatrabaho sa pag-aaral na ito na protektahan ang pagiging kumpidensiyal ng mga taong sumali. Walang mga pangalang naiiwan, ang lahat ng tirahan o address at alinmang numero sa telepono (kung meron man kami) ay tinatanggal sa mga sagot sa survey. Napapailalim kami sa napakahigpit na reglamento ng Opisina ng UCLA para sa Proteksiyon ng mga Kalahok sa Pananaliksik at ng pinamamahalaan ng California na Komite para sa Proteksiyon ng mga Taong Kasama sa Pananaliksik para protektahan ang inyong privacy at mga karapatan bilang kalahok ng isang proyekto ng unibersidad. Para sa karagdagang impormasyon, mag-click dito.

Mga Karaniwang Tanong

Mga 45 minuto ang sarbey para sa mga matatanda, mga 20 minuto sa mga tinedyer, at mga 15 minuto  sa mga bata.

Unang priyoridad namin ang panatilihing kumpidensiyal ang impormasyon ng indibidwal. Talagang pinroseso namin ang lahat ng mga sagot para walang direktang makakapag-ugnay kung anong mga sagot ang nagmula sa aling sambahayan. Iniuutos ng batas sa lahat ng nagtatrabaho sa pag-aaral na ito na protektahan ang pagiging kumpidensiyal ng mga taong sumali. Walang mga pangalang naiiwan, ang lahat ng tirahan o address at alinmang numero sa telepono (kung meron man kami) ay tinatanggal sa mga sagot sa survey. Napapailalim kami sa napakahigpit na reglamento ng Opisina ng UCLA para sa Proteksiyon ng mga Kalahok sa Pananaliksik at ng pinamamahalaan ng California na Komite para sa Proteksiyon ng mga Taong Kasama sa Pananaliksik para protektahan ang inyong privacy at mga karapatan bilang kalahok ng isang proyekto ng unibersidad. Para sa karagdagang impormasyon, mag-click dito.

Ang inyong telepono ay napili nang random ng computer mula sa lahat ng posibleng mga address sa inyong lugar. Ito ay isang siyentipikong paraan para pumili ng mga kalahok sa survey tulad ninyo. Para sa ilang sambahayan, ang numero ng telepono ay itinugma sa address ninyo. Kung hindi nakalista ang numero ninyo, mananatiling hindi ito nakalista.

Nagpadala kami ng sulat sa sambahayan ninyo para ipaliwanag ang layunin ng survey at idirekta kayo sa website kung saan maa-access ninyo ang survey gamit ang personal mong code. Kung hindi kami makatanggap ng sagot mula sa sambahayan ninyo, ang aming kontratista sa pagkolekta ng mga datos, ang SSRS, ay magtatangkang itugma ang numero ng telepono sa address, at kung may mahanap na tugma, tatawagan namin ang sambahayan ninyo para mahikayat ang pagkumpleto ng survey. 

Idinisenyo ito para sa web o survey sa telepono. Ang pagsagot nito sa ibang format ay maaaring maka-apekto sa mga resulta.

Kinokontak namin ang higit sa 250,000 sambahayan sa California na pinili nang random ng computer.

Isang computer ang pumili ng numero ng address ninyo nang random at ang mga address na napili nang random ay bumubuo ng isang siyentipikong sample. Kung papalitan namin ang napili naming address ng ibang address, maaapektuhan nito ang kawastuan ng survey namin.

Para makita ang listahan ng mga paksa ng sarbey, mag-cick dito.

Tinatanong lang namin para makatiyak na kinakausap namin ang mga pamilyang may iba’t ibang kita.  Ang inyong impormasyon ay pananatiliing kompidensiyal.

May tatlong (3) parte ang sarbey na may kinalaman sa mga grupo na magkakaiba ang edad. <gulang.> Kailangan namin ang mga edad ng mga tao sa bahay n’yo para malaman namin kung anong parte ang gagamitin.

Mas madali para sa taga-interbyu na kausapin kayo tungkol sa mga tamang tao gamit ang mga pangalan o palayaw. 

Hindi. Ang mga impormasyong makapagpapakilala sa inyo ay hindi gagamitin sa mga resulta, at walang sinuman sa sa gobyerno ang makakaalam kung sino ang sumali sa pag-aaral na ito. Wala sa mga benepisyo ninyo ang maaapektuhan ng pagsali ninyo sa pag-aaral na ito. 

Hindi. Mananatiling ganap na kumpidensiyal ang identidad ninyo. Ang impormasyong makapagpapakilala sa inyo ay hindi isasama sa mga resulta, at walang sinuman sa gobyerno ang makakaalam kung sino ang sumali sa pag-aaral na ito. Ang immigration status ninyo ay hindi maaapektuhan sa pagsali. 

Para mas maintindihan ang lagay ng kalusugan at mga pangangailangang pangkalusugan ng lahat ng mga residente ng California gusto naming kausapin ang mga taong mayroon at walang problema sa kalusugan.

Interesadong-interesado kaming malaman ang tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at sa mga pangangailangan mong pangkalusugan.  Na wala kang health insurance ay isang bagay na gusto naming malaman din.

Gusto naming makausap ang mga taong meron at walang mga anak.  Kung wala kayong anak, gagamitin lang namin ang pang matandang seksiyon ng sarbey.

Dapat tumawag ka sa kompanya ng sarbey (SSRS) para palitan ang appointment mo.  Ang toll-free  na numero nila ay 1-888-462-0128.

Humihingi kami ng paumanhin sa abala. Makipag-ugnayan sa SSRS (1-888-462-0128) o email support@youropinionplease.com para sa tulong kung paano ma-access ulit ang inyong survey.

Dapat kang tumawag sa kompanya ng sarbey (SSRS) para tapusin ang sarbey.  Ang toll-free na numero nila  ay 1-888-462-0128.

Hindi, boluntaryo ang pagsali ninyo, pero interesadong-interesado kami sa kung ano ang sasabihin ninyo. Kinakatawan ninyo ang iba pang sambahayang katulad ninyo, kaya makakatulong sa amin nang malaki ang inyong mga isasagot. Hindi ninyo kailangang sagutin ang lahat ng mga tanong, at puwedeng huwag sagutin ang kahit aling tanong kailan man. 

Kasama sa malalaking nagbibigay ng pondo para sa survey na ito ang California Department of Health Care Services (DHCS), DHCS Mental Health Services Division, California Department of Public Health, California Health Benefit Exchange, First 5 California, The California Endowment, at California HealthCare Foundation.

Ang mga impormasyong makokolekta sa sarbey na ito ay makatutulong sa mga resertser, sa publiko at sa gobyernong maintindihan nang mas mabuti ang ilang mga problemang pang-kalusugan at mga kahirapan ng pagkuha ng pangangalaga sa kalusugan sa California.  Sa pamamagitan ng impormasyong ito, mapapagbuti ang mga programa para sa kalusugang pampubliko at ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan.

Ang mga unang resulta ay lalabas sa taglagas ng 2024. Ang mga resulta sa mga naunang pagsasagawa ng pag-aral ay makukuha ngayon sa aming website sa www.chis.ucla.edu

Ang National Do Not Call List ay inilaan para iwasan ang hindi ninanais na mga tawag sa telepono ng mga telemarketers.  Bilang lihitimong, siyentipikong sarbey na pangkalusugan na hindi nagbebenta ng kahit na ano, ang California Health Survey is  hindi sakop ng Do Not Call list.

Ang Sarbey ng Kalusugan ng California ay walang awtorisasyon na magbigay ng mga referral.  Dapat kang tumawag sa inyong lokal na departamento ng kalusugan para sa impormasyong ‘yan.  Ang kanilang numero ng telepono ay nasa mga pahina ng gobyerno ng inyong phone book, sa ilalim ng “county listings.” O kaya, puwede kang tumawag sa 2-1-1 kung may ganitong serbisyo sa inyong County.

25,415

households interviewed for the 2021 CHIS

6

CHIS is conducted in six languages: English, Spanish, Chinese (Mandarin and Cantonese), Korean, Vietnamese, and Tagalog

27,849

interviews completed by web for the 2021 CHIS

2,800

interviews completed by phone for the 2021 CHIS